Winter Story


Tanga Na Ko, Sana Naman Hindi Siya Si Gago
December 27, 2015, 11:40 pm
Filed under: heartbreak, love, stories

This is me being tanga over a guy na gago naman.. super manhid he never had any idea how much I love him!   Ang kapalaran talaga laging tamang trip. At wala kang kamalay-malay. Minsan, yung mga nangyayari sa iba na pinagtatawanan mo, eh nangyayari din pala sayo, di mo nga lang alam. Sabi nga nila, gago ka daw pag di mo alam na may nagmamahal sayo at tanga ka naman pag nagmahal ka pero di alam ng taong mahal mo na mahal mo siya. Hay naku!!! Sinasabi ko ito dahil totoo naman diba?

Malupit ang tadhana, akalain mo ba namang pagtagpuin si Gago at Tanga. Syempre si tanga laging sinasabi sa sariling if you were meant to be, love will find its way. Kalokohan! Isang MALAKING KALOKOHAN!!! May way nga ang love, wala namang effort.

Eto namang si gago, manhid-manhidan ang drama. Sukdulan ng sarili niya ang magsabi na hello? Mahal ka kaya niya. Ang sarap iuntog ng ulo sa pader. Pero, wala ka namang kailangan at dapat gawin. Sabagay, mahirap kasi ang mauna dahil baka kung ano ang isipin nya, tapos mabigyan ka pa ng False Alarm at False Hope ika nga ng iba. Ang isarado ang puso mo sa idea na mahal ka rin nya, hindi pa nga lang nya narerealize… ang lupit mo naman. Hindi madali ang magmahal, lalo na siguro ang magmahal at maghintay eh paano pa kaya pag magmahal, maghintay at umasa, BUHAY KA PA KAYA?

Pag nakarinig ako ng ganitong kwento di ko mapigilan ang mapangiti tinatamaan kasi ako eh! Ibinigay mo na ngang lahat pero kulang pa rin, PARTIDA! Hindi pa sya humingi ng lagay na yon ha. Lulunukin ang pride mo at kokontrahin ang sarili mo wala namang nagsabi na gawin mo. Aasa ka at pilit na iintindi tapos , masasaktan ka pa kahit wala ka namang karapatan. Ang ending, hintay ka ng hintay, di mo alam INIWAN ka na pala.

Pag nakakarinig ako ng ganitong kwento, pilit akong ngumingiti pero traidor talaga ang mata ko lagi na lang akong binubuking sabay tutulo na lang ang mga luha at maiisip na sa kwentong ito;alam kong ako si Tanga pero sana hindi ikaw si Gago!

hayy! wala kasi akong magawa ng mga time na yan!!


Leave a Comment so far
Leave a comment



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s



%d bloggers like this: