Winter Story


Sunday Random Thoughts..
December 28, 2015, 12:04 am
Filed under: havefaith, heartbreak, love, sad, stories
The time where everything falls down, and the time where it falls back into right place … Nanumbalik na ang lahat. I guess. yun ang pakiramdam ko. Sa sobrang saya di ko alam kung maniniwala ba ako.

Di siguro alam ng marami yung sakit na dinanas ko for the past 5 years. Paano nga naman may makakaalam eh hindi naman ako nagsasabi. Pero alam ni God yun, kung paano ako umiyak sa gabi na nagdarasal na maging okay ang lahat, at matulog ng may pag asa sa puso na sana bukas, okay na ang lahat. And at the end of the day, madidisappoint ka, and you’ll do the same process everyday, until dumating yung time na inaamin kong nawalan na ako ng pag asa sa puso ko, na napagod na ako. Na hinahanda ko na yung sarili ko wala na talaga, mas masakit pero kailangang tanggapin.

Sa tuwing babalik ako sa point ng buhay ko na yun, naiiyak pa rin ako. Na parang bumabalik lahat ng sakit, paulit-ulit. Inaamin kong madalas akong palungkutin ng mga pagkakataon na yun, hanggang ngayon. No one can blame me for that siguro.

Hanggang sa di ko na namalayan, lumipas ang mga panahon, hindi ko alam kung unti unti ng naayos, o namanhid na lang ako. Hanggang dumating yung araw na ito. Naramdaman ko na ulit yung saya. Yung araw na hindi na kailangan ng pag asa para maging okay ang lahat, pero sa halip pag asa para humarap sa mas magandang bukas.

May dahilan nga ang lahat, lahat ng bagay, lahat ng pagkakataon, lahat ng nararamdaman. Maybe di natin alam ngayon, o bukas, pero may dahilan. At ako, di ko alam yung lahat ng dahilan ni God sa pagkakataon na yun, pero isa ang sigurado ako, di ko mararamdaman yung saya na ito kung hindi nangyari sakin yun. Kaya maraming salamat po. The best ka talaga Lord.🙂


Leave a Comment so far
Leave a comment



Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s



%d bloggers like this: